top of page

HEALTH
Alagaan natin ang kalusugan ng mga Cordonian

1. Ang HOPE Hospital for the People ay planong ipatayo sa lupa ng LGU sa Bliss, Turod Sur.
2. Ang mga classroom sa hospital ay ipapagamit sa TESDA para magturo ng kursong BARANGAY HEALTH SERVICES NC II (463 hours).
1. Itutuloy ang laban kontra ilegal na droga para protektahan ang mga kabataan.
2. Ang People's Council ay papayagang magpadala ng manonood sa session ng Sangguniang Bayan at sa bidding at procurement process ng LGU.
ORDER
Panatilihin natin ang kaayusan at pagsunod sa batas
PROGRESS
Paunlarin natin ang lahat ng barangay sa Cordon
1. Ipapamahagi ang barangay infrastructure fund ayon sa pangangailangan ng bawat barangay.
2. Tutulungan ang mga Sangguniang Barangay sa paggawa ng Investment & Development Plan.
3. Magtatayo ng mga pabahay sa tulong ng Community Mortgage Program.
4. Magbibigay ng legal assistance sa mga matagal nang nakatira sa "inalienable land" para mapalitan ang status ng kanilang lupa.
5. Bibilhin ng LGU ang mga aning palay ng mga magsasaka para may reserba sa panahon ng kalamidad.
EDUCATION
Gawin nating mas abot-kaya ang edukasyon
1. Ipapamahagi ang Special Education Fund ayon sa pangangailangan ng bawat paaralan.
2. Maglalagay ng libreng wi-fi sa bawat public school at barangay hall.
3. Itatayo ang Cordon Campus ng Isabela State University para ilapit ang college education sa mga kabataang Cordonian.
ENVIRONMENT
Kontrolin natin ang mga epekto ng climate change sa kalikasan
1. Mangunguna sa pagtatanim ng mga kawayan sa tabing ilog para protektahan ang lupa sa panahon ng baha.
2. Magpapagawa ng sanitary landfill na aprubado ng DENR.
ECOTOURISM
Palaguin natin ang mga negosyong pang-turista sa Cordon
Makikiisa sa pag-promote ng turismo sa Magat Area para lumago ang mga tourism-related business sa Cordon gaya ng hotel, pasyalan, kainan, tindahan ng mga pasalubong, at pagawaan ng mga souvenir.
bottom of page